Legazpi Eye Center

Need help with something? Let our Frequently-Asked Questions (FAQs) guide you. Click on one of the buttons below to learn more.

Appointments

Paano ako magbo-book ng appointment para sa check up?

Sa pamamagitan ng website ng Legazpi Eye Center, maaaring mag-book ng appointment para sa check-up. Dito, maaaring pumili ng doktor, araw at oras ng check-up. Siguruhing tama ang mga detalyeng ilalagay tulad ng pangalan, phone number o email address.

Kailangan ba ng appointment para sa check-up? Paano kung wala akong appointment?

Pwede ang walk-in subalit inuuna namin ang mga pasyente na may online appointment. Kung kayo ay magwa-walk-in, kumuha lamang ng queue number sa entrance upang maisama sa pila.

Sinong doctor ang dapat kong piliin para sa aking appointment or check-up?

Lahat ng aming doctors ay para sa mata. Kung bata ang pasyente, mas mabuti kung pediatric ophthalmologist (Dr. Rachel Milante or Dr. Rena Bascuña) ang tumingin sa pasyente. Kung may special na karamdaman ang pasyente tulad ng glaucoma o sakit sa retina, may mga specialists ang Legazpi Eye Center para diyan.

Lahat din ng aming doctors ay marunong mag-asikaso ng cataract. Sa Doctors Page ng aming website, maaaring makita ang iba’t ibang specializations ng bawat doctor.

Pwede bang gamitin ang appointment slot para sa ibang kasama kung hindi tumuloy ang orihinal na nakapangalan sa appointment?

Opo. Pwedeng gamitin ng kasama ang appointment slot kung hindi tumuloy ang orihinal na nakapangalan dito.

Pwede bang isabay ang check-up ng kasama sa aking appointment?

Kung walang appointment ang kasama, maaari itong kumuha ng queue number sa Entrance bilang walk-in. Kung kaya silang ma-accommodate sa dami ng pasyente sa araw na yun, ipa-aalam ng aming Front Desk.

Pinapabalik ako ng doctor ngayon. Ito ang schedule ko. Dire-diretso na raw.

Kung nag-set ng appointment sa website ng Legazpi Eye Center, maaaring ipaalam sa Front Desk. Kung walang appointment, kumuha lamang ng queue number sa Front Desk at pumila bilang walk-in. Lahat ay kinakailangan na dumaan sa proseso at pre-consultation examinations. Nire-rekomenda namin ang pag-set ng appointment gamit ang website, at nakalahad din ito sa follow-up slip or prescription.

Bakit hindi nasusunod ang oras na napili namin sa appointment?

Sa makakakaya ng Legazpi Eye Center, gagawin ng staff ang lahat para masunod ang oras sa appointment ng pasyente. Ang pre-consultation examinations tulad ng autorefractometer, visual acuity test, at refraction ay bahagi ng appointment at konsultasyon sa doctor. Ginagawa ang mga ito para makita ng doctor ang buong sitwasyon ng pinapacheck-up ng pasyente.

Hindi ako umabot sa takdang oras ng aking appointment, ano ang mangyayari?

Lumapit lamang sa aming Front Desk, malugod namin kayong tatanggapin.

Gaano ka-aga ako dapat mag-kansela o magbago ng aking appointment?

Maaaring magbago o mag-kansela 24 oras bago ang nakatakdang oras ng appointment.

Patient Flow

May priority ba ang senior citizen o ang PWD patients?

Karamihan ng pasyente ng Legazpi Eye Center ay Senior Citizens at PWD patients. Walang hiwalay na pila ang mga senior citizens at PWD patients ngunit sinusubukan sa makakaya ng Legazpi Eye Center na mabilis tapusin ang check-up ng mga senior citizens at PWD patients.

Branches of LEC

Saan ang branch ninyo sa Naga City?

Ang aming branch sa Naga City ay sa groundfloor ng Sundaze Dormitel, Concepcion Pequeña, Naga City (National Highway). Katabi lamang ito ng planta ng Coca-Cola Bottlers Philippines.

Sino ang titingin na doctor sa Naga City branch?

Madalas na naka-duty sa Naga City branch ang mga doctors na sina Dr. Timothy Tang Lee Say at Dr. Rena Bascuña.

May mga araw na naka-duty sa Naga City ang aming mga Legazpi City-based doctors. Makikita ang kani-kanilang schedule at makakagawa ng appointment sa Doctors Page ng Legazpi Eye Center.

Medical Records

Pwede bang humingi ng medical certificate, medical abstract, o statement of account?

Pwede kayong humingi ng medical certificate, medical abstract, o statement of account. Abisuhan lamang ang ophthalmic assistant ng inyong doctor. May processing fee na PHP200 para sa ordinary medical certificate at PHP500 para sa medical certificate na may grado o medical abstract.

Libre naman ang medical certificate na may grado kung ikaw ay sa mismong Legazpi Eye Center magpapagawa ng salamin.

Bakit may processing fee ang medical certificate, medical abstract, o statement of account?

May bayad ang medical certificate, medical abstract, o statement of account dahil sa oras na inilalaan ng aming staff para sa pag-proseso nito. Mas mataas ang processing fee ng medical certificate na may grado at ng medical abstract dahil may dagdag na medical liability ito sa Legazpi Eye Center.

Ano ang pinagkaiba ng medical certificate sa medical abstract?

Ang medical certificate ay nagsasabi kung ano ang diagnosis at recommended plan ng inyong ophthalmologist. Ang medical abstract ay mas detalyadong bersyon ng medical certificate. Sinasabi rito kung ano ang ginawang mga examination sa inyo at mga findings ng doctor.

Abisuhan lamang ang aming staff kung para kanino(o para saan) ang inyong hinihingi para makapag-rekomenda kami ng tamang dokumento.

Pwede bang humingi ng medical certificate para sa PWD application?

Titingnan muna namin kung ang inyong corrected vision sa chart ay mas malala sa 20/70. Kung ang inyong corrected vision ay mas maganda sa 20/70, hindi kayo eligible para kumuha ng PWD ID. Amin din itong ikokonsulta sa optometrist o ophthalmologist.

Pwede bang makahingi ng kopya ng pinagawang diagnostic test?

Maaari namin kayong bigyan ng kopya ng diagnostic test, subalit, wala itong interpretation ng doctor. Kung nais ninyo ng interpretation ng doctor, maaari naming i-process ang medical certificate (PHP200) o medical abstract (PHP500).

Pwede bang makahingi ng kopya ng grado ko?

Abisuhan niyo lamang kami kung saan ito gagamitin. Kung sa Legazpi Eye Center kayo nagpagawa ng eyeglasses, maaari namin kayong bigyan ng kopya ng grado gamit ang Lens Prescription Slip o ng Medical Certificate nang libre.

Kung hindi naman kayo sa Legazpi Eye Center nagpagawa ng eyeglasses, may processing fee ang medical certificate na may grado (PHP500).

Pricing

Pwede makahingi ng kopya ng presyo ng lens at frame?

Lumapit lamang sa aming Optical Sales Officer para sa inyong mga katanungan tungkol sa presyo.

Magkano ang cataract surgery?

Sa mga senior citizens na may PhilHealth, ang cataract surgery ay nagsisimula sa PHP17,000.

Kung hindi naman senior citizen o PhilHealth policy owners, magda-dagdag ng humigit-kumulang PHP16,000.

Kailangan namin kayong i-check-up para maibigay ang tamang package. Kung gipit sa budget, maaaring kausapin ang aming Financial Care Counselor para matulungan kayong dumulog sa mga government at non-government agencies.

Laws and Regulations

Pwede bang ipangalan ang reseta sa aking Lolo para may senior citizen discount sa pagbili?

Hindi po. Labag ito sa batas at hindi namin pwedeng gawin.

Pwede bang mag-picture, mag-video, o mag-record sa loob ng clinic?

Hindi pwede mag-picture, mag-video, o mag-record sa loob ng Legazpi Eye Center.

Labag ito sa privacy ng staff at ng doctor.

 

Kung kailangan ng kopya ng findings ng doctor, maaaring humingi ng medical certificate (P200) o medical abstract (P500).

Medications

Pwede bang bumili ng antibiotic na ito kung wala akong reseta?

Hindi pwede bumili ng antibiotic kung walang reseta. Mas mabuti kung kayo ay magpatingin na muli sa inyong ophthalmologist upang malaman kung itutuloy pa ang gamot. Maraming side effects ang pwede mangyari kung gawing maintenance ang antibiotic.

Pwede bang bumili ng steroid na pamatak na ito kung wala akong reseta?

Hindi pwedeng bumili ng steroids kung walang reseta. Mas mabuti kung kayo ay magpatingin muna ulit sa inyong ophthalmologist para malaman kung itutuloy pa ang gamot. Maraming side effects ang pwede mangyari kung gawing maintenance ang gamot na may steroids.

Ano ang pinagkaiba ng Brand A at ng Brand B (parehas ang generic)?

Walang pinagkaiba sa epekto ang Brand A at Brand B kung parehas ang kanilang generic name. Nagkakaiba lamang sila ng manufacturer or taga-gawa.

Anong gamot ang pwede para sa dry eyes?

Maraming lubricants or artificial tears sa pharmacy ng Legazpi Eye Center ang pwedeng gamitin para sa dry eyes. Maaaring magtanong sa Pharmacist o Cashier ng Legazpi Eye Center kung ano ang nararapat na bilhin.

Optical

Kailan ko makukuha ang eyeglasses?

Naka-depende ang pagkuha ng eyeglass sa stock na lens ng Legazpi Eye Center. Kung may stock lens ay agad na makukuha ang eyeglass 30-45 minutes pagkatapos pumili ang pasyente ng frame at lens.

Kung masyado mataas ang inyong grado, maaaring ipasadya pa ang lens sa supplier ng Legazpi Eye Center sa Manila. Kadalasan ay tumatagal ito ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) linggo.

Hinihikayat namin na kayo ay mag-full payment para agad na magawa na ang eyeglasses pagdating ng lens. Maaari rin ipa-deliver ang eyeglasses sa address ng pasyente pero ito ay may karampatang delivery fee.

Pwede bang magpa-palit lang ng lens? May frame na ako.

Pwedeng gamitin ang dating frame o frame na nabili sa ibang optical. Tanging ang lens at labor lang ang inyo pong babayaran. Dahil sa labas ninyo binili ang frame, hindi namin kayang i-assure ang kalidad ng frame at hindi namin matutugunan kung ito ay agad na masira.

Pwede bang bumili lang ng frame at ilipat ang lens ng lumang eyeglasses?

Pwedeng frame lang ang bilhin at ilipat ang lens ng lumang eyeglasses pero dahil kailangan sakto ang sukat ng lens sa frame, mas kaunti ang inyong pagpipilian ng frames sa optical. Tutulungan kayo ng aming Optical Sales Officer na makahanap ng frame na sakto sa sukat ng lens ng lumang eyeglasses.

Pwede bang i-prioritize ang eyeglasses ko?

Abisuhan niyo lamang kami kung urgent na kailangan ang inyong eyeglasses. Kung meron kaming stock, makukuha ang eyeglass nila sa parehong araw 30-45 minutes pagkatapos ninyong pumili ng frame at lens.

Kung pasadya, susubukan din naming kausapin ang supplier sa Manila. Kayo ay aming aabisuhan kung may karampatan itong rush fee.

Nagbebenta po ba kayo ng contact lenses?

Nagbebenta ang Legazpi Eye Center ng contact lens. Mayroong clear at colored contact lens at mga contact lens na disposable at good for one year. Maaaring kausapin ang Optical Sales Officer para sa iba pang impormasyon.

Naoperahan na ako at may implant na. Bakit kailangan pa mag-salamin?

Madalas ay distance vision o pang-malayo na vision lang ang inaayos ng lens implant. Ang reading vision o pang-basa na vision na pang malapitan ay hindi. Ito ang tinutugunan ng salamin.

Pwede bang magpakuha ng grado at sa ibang optical magpagawa ng eyeglasses?

Mas mabuti kung magpakuha ang pasyente ng grado sa optical na kanyang gustong pagawaan ng eyeglasses. Maraming beses na sa Legazpi Eye Center na ang ibang pasyente ay kinunan ng grado pero nagpagawa ng eyeglasses sa ibang optical. Sa mga ganoong pagkakataon, hindi masasabi kung ang may mali ay ang Legazpi Eye Center o ang optical.

Kung magpapagawa sa ibang optical, hindi rin masisiguro ang personalization na ginagawa ng Legazpi Eye Center sa pag-identify ng tamang grado at sukat ng eyeglasses para sa inyo.

Nahihilo ako sa eyeglasses na binili ko.

Kayo ay aming i-eendorso muna sa aming Optical Sales Officer. Titingnan ng Optical Sales Officer kung tama ang grado ng eyeglasses na ginawa sa chart ng pasyente.

Kung ang lens ay progressive, tuturuan namin kayo kung paano ito gamitin. Maaari rin kayong ipa-refract muli para sigurado ang grado. Kung mali ang refraction ng pasyente, aming ibibigay ang bagong lens nang libre.

Surgery and Procedures

Safe ba itong surgery/procedure?

Lahat ng operasyon ay may risk. Tanging ang doctor lang ang makakasabi kung ano ang mga benepisyo at risks sa inyong kaso. Hinihikayat namin kayong magtanong sa inyong doctor upang maintindihan ang lahat nang pwedeng mangyari sa operasyon at sa pagkatapos nito.

Magtiwala lamang na hindi ooperahan ng doctor kung hindi ito kinakailangan o angkop sa sitwasyon ng pasyente.

Ma-o-operahan ba ako kaagad pagkatapos ng check-up?

Hindi kayo kaagad maooperahan pagkatapos ng check-up lalo na’t kung hindi ito emergency ayon sa doctor. Maaaring may mga laboratory tests na kinakailangan ang doctor bago ang operasyon at maaaring may mga papeles na kailangan ayusin bago ang operasyon.

Gumagawa ba kayo ng LASIK Surgery?

Walang LASIK Surgery sa Legazpi Eye Center pero mayroong mga doctor sa Legazpi Eye Center na ginagawa ito sa Manila.

Maaaring sa Legazpi Eye Center gawin ang pre-operative at sa Manila naman ang post-operative ang mismong LASIK. Pwede din mag-offer ng ibang refractive na klase ng surgery na ginagawa ni Dr. Rollo Milante.

Got more Questions?

Contact Us

Got questions? Check out our FAQs here. Looking for something more specific? Walk in or reach us through email, social media (Instagram, Facebook, and Messenger), or simply by filling out this form below.

Legazpi Eye Center - Legazpi City

Legazpi Eye Center - Naga City

Follow Us

Chat With Us

Legazpi Eye Center